5-Ways on how to move on(the most effective way)

move

Okay ! so dito sa article na ito i will give some advice to those na hanggang ngayon hindi pa rin maka move on sa mga jowa nila.

We all know na ang sarap ng feeling na mainlove . Yun bang parang may sarili kayong mundo na halos wala na kayong makitang ibang tao sa paligid niyo, yung feeling na parang wala ka na sa sarili mo kapag kasama mo ang mahal mo. Though you know it is not your normal act yet you are so comfortable with it. You discover another side of yourself na gustong-gusto mo, na hindi ka nagpapanggap, na sobrang saya mo lang talaga.. until one day you are left alone.. yun bang ikaw na lang pala ang masaya, ikaw na lang pala ang kumakapit sa relasyong binitiwan na niya … If you’d experienced it , then how did you handle it?.. nakamove-on ka na nga ba talaga?.. o nagtatapang-tapangan ka lang na kaya mo ng wala siya eh halos mamatay ka na pala sa kakaisip na sana bumalik ulit siya?… well, girl,boy,bakla at tomboy here is my advice for you …

  1. MAGHANAP KA NG PAGKAKALIBANGAN MO …. wag mong itali ang sarili mo sa nakaraang tinapos na niya. HELLO!! nag move forward na siya at iniwan ka na ! tapos ikaw stranded pa rin sa past niyong dalawa … gumawa ka ng mga bagay na gustong-gusto mong gawin na hindi mo nagawa dahil sa nasayang mong oras na naibigay mo sa kanya. I mean, wag ka din namang bitter alam ko naging masaya ka din naman noong kasama mo siya, pero atleast ngayon dahil wala ng kayo gawin mo na at magagawa mo na yung gusto mo….
  2. HUWAG KANG ILLUSYONADA kasi….. ano bang iniilusyon mo? na babalik siya at magmamakaawa sa iyo ?.. iniilusyon mo pa yung mga happy moments niyo ?.. Patay ka na ba?.. ang hirap mo kasing gisingin!!! ibukas mo nga yang mga mata mo at manalamin ka narin kaya … anong nakikita mo?? diba mukha ka ng multo ?!.. haggard mo na girl!!.. ang taong mayroon pang totoong mga happy moments pa together with his/her jowa ay gumaganda kaya wag kang magpaka loka loka! Ngayon ito ang pangatlong advice ko sa iyo …
  3. MAGPAGANDA KA AT SABI NGA NI JUSTINE BEIBER“LOVE YOURSELF” GIRL ... iniwan ka na nga ng mahal mo hindi mo pa mamahalin sarili mo … mag ayos ka !, gumala ka at mag enjoy ka … mahalin mo din naman sarili mo .. bakit , sino ba maysabi na kailangan dalawang taoang magkasama para matawag na date ang date?? .. ang tagalog nga ng date ay araw diba? … so give yourself a DATE kung sa tagalog pa bigyan mo ng araw ang sarili mo !.. (haha)
  4. REMEMBER:SABI NGA DIN NAMAN NI SELENA GOMEZ,“STRONG IS BEAUTIFUL”… magpakatatag ka … hindi lang naman siya ang tao sa mundo .. marami pang mas worth it sa kanya , mas marami pa diyan na ipapakita sa iyo ang kahalagahan mo , basta wag ka lang magpaka haggard at wag mo lang ibaba ang sarili mo may makakahanap din sayo … kaya stay strong ka lang at sabayan mo na rin sa pagkanta ng same old love “I’m so sick of that same old love, my body’s had enough” oh diba!.. at ang huli …
  5. PAKINGGAN MO DIN NAMAN TONG MGA PAYO KO … nakakapagod kayang magsulat tapos babalewalaen mo rin naman … alam ko din naman yung feeling mo .. yung ang daming nag a advice sayo pero sadya lang talagang matigas ang ulo mo , o di kaya ay ang hilig hilig mong mag advice pero hindi mo rin naman ina-apply sa sarili mo. Subukan mo lang hindi mo alam baka effective din tong mga sinabi ko , try ko pa nga ring i-apply sa sarili ko eh .. hehe..

Kaya sige na sabay tayong mag move on para wala ng bitter sa mundo (lol)..

P.S.. kung siya pa rin talaga .. one thing lang masasabi ko .. huwag mong ipilit ang sarili mo hayaan mong siya ang maka realize nun .. hindi yung ipipilit mo sa kanya dahil mas lalayo siya sayo … at kung ayaw na nga talaga niya eh di tanggapin mo na wag ka nang magpaka TANGA .. okay?

Advertisements

ME as a BLOGGER !(my starting point)

Okay so here it goes !!! I’ll start my very first post in my blog … Actually I really don’t know how to start this cause I’m not really used to this. I’m not good at writing and I don’t even know what words to be use to create an interesting article but anyways wala din naman akong reader so okay lang (LOL).

I’ve decided to create my own blog due to public request (haha joke lang). So ganito nga, gumawa ako ng blog kasi I was getting curious about it and also because of my sisters’ influence? if thats the term I need to use.  She  was so fond of writing this suicidal note thingy .. and I was like always thinking why is she so depress in her life when she has nothing to depress of. (Sana hindi to umabot sa kanya.. hahaha). So she decided to create her own blog here in wordpress.com. Do you know what’s her reason in creating her blog? it’s because ubos na ang notebook niya … and wala na siyang malagyan ng mga suicidal note niya .. haha… When she started to blog she told me she already have 5 readers and I’m one of them … (sure talaga ako galit na siya .. hahaha) … Do you know what happened next? (Yes I know, since sarili ko lang naman kinakausap ko dito .. hahaha). Almost everyday of my existence she keeps on talking about blogging parang namemorize ko na nga lahat ng sinabi niya eh … but still I’m not convinced to create mine. It was then one afternoon when I was bored sa elib and I’ve decided to read some of Maine Mendoza’s entry in her website. I was then amused by her and decided to create mine too … so to make it short, si Maine pala ang rason sa paggawa ko ng blog na to … hahhahahha .. pero special thanks na rin sa kapatid ko …. hahahha.

Yan lang muna … GOODBYE MYSELF !!!! hahahaha…….

I really hope i could make more for my future readings … hahahhaah.

Hi ! WordPress… I welcome myself ……